MCA Naiinis ako sa bf ko na feeling special.

Iritang irita ko ngayon, wala naman ako regla pero napipikon ako. Itong bf ko tinanong ako suddenly "Love, mag hahanda ba kayo dyan pag nagpakilala na ako as bf mo xD" di ko alam kung sarcastic or joke kasi wala naman syang sinabi na "joke lang"

Then sabi ko "bakit mo natanong" sabi nya eh "kasi tong kaibigan ko si James nung pinakilala nya si Anna piyesta daw sakanila halos ang daming handa". Sabi ko tuloy "Eh si James naman pala nag handa akala ko si Anna, kasi di ko alam bakit ako yung tinatanong mo" then wala parin syang finafollow na "Uy joke lang e"

Napipikon ako tbh, ang dami na cases talaga na selfish sya before, now di ko alam feeling ko nanaman umiiral nanaman pagiging makasarili nya na feeling nya special sya. Bwiset na yan. Iwanan ko na talaga to. Ayoko na.